“Trader lang ang kumikita.”
Yan ang bukambibig ng maraming farmer.
Firstly, hindi kasalanan ng trader na napasama siya sa value chain. Usually kasi ay yung trader ang may makina at sasakyan na gagamitin sa logistics ng farm produce. Siya rin ang nakakaalam kung saan ibabagsak ang mga farm produce.
If I want to remove the trader, at least, within my personal sphere of value chain, isa lang ang pwede kong gawin diyan. Yun ay ang kayanin ko lahat ng kaya ni trader para matanggal ko siya sa picture.
This is not a pro-trader post or what-not. This is a pro-reality post.
Walang pinagkaiba yan sa mga may hinanakit sa mga kumikita sa agribusiness dahil marunong silang mag-vlog.
“Mga agri-vlogger lang ang kumikita sa farming.”
Yung mga may hinanakit sa mga agribusiness na may website: “Yung mga may website na farm lang ang malalakas kumita sa farming.”
Yung mga may hinanakit sa mga nagpapapakapantas ng kusa sa agribusiness: “Hmmp. Yung mga nakapag-aral lang sa farming ang kumikita sa agriculture.”
Ang pagba-vlog, pagkakaroon ng digital marketing, at pagiging aral sa agribusiness ay napag-aaralan lahat. Sa katunayan ay kahit sa cellphone mo lang ay mapag-aaralan mong mag-isa ang mga iyan basta may internet connection ka.
Kung gusto, may paraan.
Isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit ako nagsasariling-sikap na mapaghusay ang aking sarili ay para matanggal ko sa value chain ko ng paunti-unti ang mga trader para mas marami ang aking kita. Masakripisyo ang daang tinahak ko. Matrabaho pati sa umpisa. Pero ganun naman talaga. Sacrifice is the currency of “more” in life, especially if start-up ka pa lang.
Bottom line is, huwag tayong magkaroon ng masamang tinapay sa mga trader. Hindi nila kasalanang kaya nila yung hindi natin kaya. Kung gusto nating mapasaatin yung kitang napupunta sa kanila dahil hindi natin kaya yung kaya nila, edi kayanin natin yung kaya nila para tayo na ang gagawa nung ginagawa nila. Pagkasimple-simple, ano? That should go without saying, actually.
Mr. Jaycee de Guzman is a self-taught agriculturist and the patriarch of Alpha Agventure Farms, the number one backyard farm in the Philippines. His experience in livestock farming is rooted back in the early 90s. Mr. de Guzman is a computer scientist, a digital marketing strategist, an equity analyst for more than 20 years.