Purpose: for business/selling purposes
Situation: Hindi mo maibenta-benta ang alaga either because you are selling to the wrong market or you don’t know how to sell at all.
Result: Kinatay or niluto mo na lang ang alaga mo na may kasamang pagpo-post on Facebook to the tune of pinapapasama mo ang loob ng mga hindi mo nakatuluyan ng transaction dahil hindi kayo magkasundo sa presyo.
Business Analysis: Sa striktong usapin tungkol sa business accounting, kapag ginawa mo yung isinulat ko sa taas, loss in revenue ‘yung kinatay mo unless bilhin mo ‘yun out of your own pocket.
Kaya sa mga nakasabak na o sasabak pa lang sa backyard poultry or livestock farming, paghiwalayin ninyo ang trato ninyo sa for personal consumption at for business.
Hindi maituturing na marketing strategy yung patatakamin, paiingitin, o pasasamain mo ang loob ng nag-inquire sa iyo na hindi mo naka-deal dahil hindi kayo magkasundo sa price by consuming that poultry or livestock animal na balak sana niyang bilhin ayon sa budget niya. Business-wise, the numbers on your books ang negatively affected. Ikaw ang talo kapag ginawa mo ‘yun, business-wise.
So, ano ang tamang gawin kapag hindi ka makabenta-benta sa presyong gusto mo? Itanong mo ang mga ‘to sa sarili mo:
1. Am I marketing to the right market class na may surplus money para sa price tag na inilalagay ko sa mga ibinebenta ko?
Baka pang-middle-income pataas ang price tag mo pero sigaw ka ng sigaw ng “bili na, bili na suuukkkiiiii” sa mga lower-income households. Market mismatch ang tawag dun. Para mong pinipilit magdala ng payong para hindi mabasa ang isang magi-scuba diving.
2. Ano ang meron sa akin para maging willing ang mga potential buyers ko na dayuhin ako kahit pa may choice naman silang di hamak na mas malapit sa kanila?
Huwag kang titigil sa pagre-revise sa sagot mo sa tanong na ‘to unless and until you can bring your answer to the bank.
3. May value ba akong ibinibigay sa mga potential buyers ko o puro paskil lang ako ng paskil ng kung anu-anong ibinebenta ko?
Build rapport. Establish trust. Paano ka makaka-connect at paano mo mamo-motivate ang mga potential customers mo na piliin ka over their other choices? Give them something of massive value muna. Paano? Mag-blog or mag-vlog ka ng mga science-based, experience-driven, at technology-oriented tips on poultry and livestock farming. Kailangan ay may substance or linamnam ang content mo. Kung magsusulat ka o magbi-video ka para lang masabing may naipost o may nai-video ka, huwag na lang. Siksikan na ang room para sa mga content na super basic at hindi ganun kalinamnam.
Kapag inunahan mo ang pagbunot ng customer ng pera sa bulsa niya with your content na hindi basta-basta ang nilalaman, yung content mo ang kusang magpapaisip sa customer ng ganito, “Ayos to ah. Sa lahat ng pinanood kong video sa YouTube, siya lang ang bukod-tanging academe ang style pero naipapaliwanag niya in layman’s terms.”
Kapag ganoon ang impression ng tao, sa tingin mo, kanino pa kaya siya more likely bibili? Natural, sa iyo.
Sa tatlong binanggit ko pa lang, mabigat na assignment na ‘yan. So hindi ko na hahabaan pa ang listahan.
Kung ako ang buyer, at hindi tayo magkasundo sa presyo, at ang pagkatay mo sa balak kong bilhin ang paraan mo ng pagpapahiwatig sa hindi mo masabi-sabing “Ayaw mong bilhin sa presyo ko? Pwes, kakatayin ko ‘to”, aaraw-arawin ko ang pag-i-inquire sa iyo sa mas mababang presyo hanggang sa katayin mo na lahat ng alaga mo para mabawasan ang competition. While I won’t do that and I don’t have the luxury of time to do that, my point is, never use “kakatayin ko na lang ‘to kapag hindi nabili” as a selling point.
Again, my remarks are from the standpoint of how one should strictly treat a business.
Mr. Jaycee de Guzman is a self-taught agriculturist and the founder and patriarch of Alpha Agventure Farms, recognized as the leading backyard farm in the Philippines. With a rich background in livestock farming dating back to the early 1990s, Mr. de Guzman combines his expertise in agriculture with over 20 years of experience in computer science, digital marketing, and finance. His diverse skill set and leadership have been instrumental in the success of Alpha Agventure Farms.