Food sufficiency is a very fulfilling yet extremely challenging feat.
What made me say that?
Kapiranggot lang ang mga taong self-sufficient.
“Tanong ko, sagot ko.”
“Curiosity ko, igo-Google ko.”
“Problema ko, responsibilidad ko.”
How many people do you know ang may ganyang prinsipyong ipakikipagpatayan nila?
Where there is sufficiency, there is independent thinking.
May naging kaklase ka bang siya pa ang galit kapag pinakopya mo?
Para ma-achieve ang food suffiency, kailangan ay magkaroon ng personal na disposition ang bawat tao o ang lider ng bawat pamilya na i-embrace ang konsepto at benepisyo ng food sufficiency.
That is why hindi ako nagsasawang maghabagi ng mga natututunan ko sa agribusiness para maipasa ko sa inyo ang gigil ko to attain that level of being food-independent.
I have a two-fold goal:
1. ang maging kabawasan ako at aking pamilya sa iisipin pa ng gobyerno, through food sufficiency, kahit pa 500 square meters lang ang backyard farm namin
2. ang makipagtulungan sa gobyerno at mga pribadong sector na nag-eengganyo sa mga tao na umpisahan sa sariling bakuran ang food suffiency
Kung gusto, may paraan.
Ang usual na pangontra sa ganitong mindset ko ay ganito: “Eh Jaycee, paano naman yung talagang kahit 1 paso lang ay talagang wala nang mapaglagyan sa bakuran?”
Sa totoo lang, yung mga ganitong nagko-comment na extreme ang situation ay hindi naman yung situation nila ang dine-describe nila. Nag-iisip lang sila ng pinakamalalang situation para mabutata ang mindset na “kung gusto, may paraan”.
Sige, nga, mag-survey kayo diyan sa purok ninyo kung ilan out of 30 households ang literal na wala nang space sa bakuran para sa 1 paso.
Ilan?
Ilan?!
Ilan?!?!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
To someone with above-average intelligence, I don’t need to explain that my point is not limited to the space required for one pot.
Mr. Jaycee de Guzman is a self-taught agriculturist and the patriarch of Alpha Agventure Farms, the number one backyard farm in the Philippines. His experience in livestock farming is rooted back in the early 90s. Mr. de Guzman is a computer scientist, a digital marketing strategist, an equity analyst for more than 20 years.