Ano ang mga pinaka-EFFECTIVE kong MARKETING STRATEGIES sa farming? Aba’y marami. I’ll share three.
1. I give massive value to my market first.
Before pa bumunot ng wallet or credit card ang market ko para bumili sa akin, inuunahan ko na sila. Paano? Inuunahan ko sila by giving free customer education. I CREATE MY MARKET WHEN I EDUCATE YOUR MARKET. I become one of the top-of-minds when it comes sa kung tungkol man saan ang topic ko when I educate my market, especially there’s depth and substance in my content. You want to know what I call that? That’s marketing without marketing or selling without selling.
2. I don’t PM people to buy my agri-products.
Sa 8 years na nagtitinda ako ng sigarilyo, candy, at buko juice sa sabungan, ni minsan hindi ako sumigaw ng, “Siiiiiiigggggaaarrilllyo, candy, buko jjjjjjjuuuiiiicceeeee!”
This was my reasoning that time, “Bakit? Bulag ba kayo? Itong hawak kong kahon ng sigarilyo, mukha ba itong baterya ng eroplano? Itong timbang may buko juice, mukha ba akong nag-igib lang para mag-CR?”
Here’s my point: Ang isang taong decided na bumili at may pambili, kusa yang maghahanap ng mabibilhan. Hindi mo siya kailangang i-motivate.
Kapag uhaw na uhaw ka, kailangan pa ba kitang i-motivate by saying, “Alam mo, magkakasakit ka sa bato kapag hindi ka pa uminom ng tubig niyan. Tingnan mo nga ang labi mo. Nagkakandabitak-bitak na!” No! Kusa kang maghahanap ng tubig whether malamig o hindi dahil uhaw na uhaw ka na.
Ganun din yan sa mga decided na talaga at may pambili ng poultry or livestock animal. Kahit anong pangeengganyong gawin mo sa wala pang pambili, hindi pa rin yan makakabili. The most you can do is to plant seeds of reasons kung bakit sa lahat ng option niya ay sa iyo the best na bumili. Paano? It’s about TIP # 1.
Ibigay-todo mo ang effort mo sa tip # 1 na binanggit ko. Kahit magtago ka pa, hahanapin at hahanapin ng mga tao ang lahat ng contact details na meron ka ma-contact ka lamang.
3. From the get go, binalangkas ko ang marketing strategy ko sa pormang ako ang lalapitan at hindi ako ang unang lalapit.
I designed a website and did on-page search engine optimization para lahat ng may hinahanap sa Google na nagkataong meron ako ay sa website ko sila unang mapunta or, at least, isa ang website ko sa una nilang makikita sa search engine result page ni Google.
Sa mga hindi nakakaintindi sa rationale ko sa mga ginagawa ko, malamang iniisip ninyo I do it solely because of pride.
Pffftt. Hindi ganun.
Kapag ako ang hinanap o kapag ako ang nahanap, it means the person more likely already reached a decision na bibili na talaga siya. Nag-effort na kasi siya na maghanap ng mapagbibilhan. Tapos na siya sa pakipot stage na siya ang naghihintay sa offer ng mga gustong magbenta sa kanya.
So, alin ang mas gusto kong trabauhin? Ang lambatin yung mga decided buyers na o yung mga nasa canvassing stage pa lang na urong-sulong na mukhang yung interest pa lang ang meron pero ang pambili ay wala pa? Syempre, ‘dun ako sa mga decided buyers na. This is the reason kung bakit ako ang nagpapahanap at hindi ako ang naghahanap.
Now, you’re asking, “Pwede pala na ang seller ang mas pa-importante kaysa sa buyer?”
Pwede naman. Kung sa tingin mo ay napapakain mo ng alikabok mo ang competition mo dahil sa tindi ng mga unique selling propositions mo, pwedeng-pwede mong iposition ang business mo sa anggulong ikaw ang hinahanap at hindi ikaw ang naghahanap. Pero kung wala namang kalatuy-latoy ang presensya mo, wag kang feeling dahil hindi ka rin magi-stand-out. Magmumukha ka lang kaserolang itinatali sa likuran ng tricycle na kinakaladkad sa daan an hour before mag-New Year.
Mr. Jaycee de Guzman is a self-taught agriculturist and the founder and patriarch of Alpha Agventure Farms, recognized as the leading backyard farm in the Philippines. With a rich background in livestock farming dating back to the early 1990s, Mr. de Guzman combines his expertise in agriculture with over 20 years of experience in computer science, digital marketing, and finance. His diverse skill set and leadership have been instrumental in the success of Alpha Agventure Farms.