DISPOSAL: Ang pagma-market o pagbebenta ang number 1 na problema ng mga backyard-raisers regardless of whether manok, rabbit, kambing, tupa, gansa, bengala, o pato ang pinag-uusapan.
Ang statement ko sa taas ay base lang ba sa pakiwari ko o sa reality?
Based iyan sa reality. Kung may Raffy Tulfo In Action na sumbungan ang mga naapi at inaapi, si Alpha Agventure naman ang takbuhan ng mga backyard-raiser na nagparami ng inalagaan pero wala naman palang pagbabagsakan ng mga pinaparami at inaalagaan.
Halos linggu-linggong may nagme-message sa amin kung pwedeng bilhin namin ang kanilang produce.
Bibigyan kita ng pointers kung paano ang tamang atake sa paghahayupan.
1. Identify your goal first.
Mag-aalaga ka ba for personal consumption? If yes, mag-umpisa ka sa headcount na kayang supplyan yung dami ng produce na kailangan nyo lang on a daily, weekly, or monthly basis. For example, kung 5 lang kayo sa household ninyo, magsimula ka sa 15 to 20 heads.
Magpasobra ka nang kaunting headcount para sa mga miyembro ng pamilya na nakakadalawang itlog kada araw o para may extra ka na pwedeng ishare sa kung kanino mo man gustong ishare.
Huwag kang mag-aalaga ng 100 heads kaagad kung for personal consumption ninyo lang na 5 ang objective mo. Otherwise, dadagdag ka lang sa mga nagve-vent out sa Facebook na kesyo ang mahal ng feeds bla bla bla.
If mag-aalaga ka naman both for personal consumption at commercial purposes, isama mo sa projection mo yung pagbababasakan mo ng produce mo maliban sa volume ng personal consumption ng pamilya mo.
2. Temp-check your market bago pa man dumating ang mga manok sa backyard mo.
Kailangan ay areglado ang kalidad ng cultural management at marketing strategy mo bago pa man dumating ang mga manok sa backyard mo.
Kung ipi-figure out mo pa lang ang tamang cultural management at effective marketing strategy kung kailan nasa backyard mo na ang mga manok, naku po, sooner or later, baka isa ka rin sa kakataok sa amin at magsasabi ng, “Bilhin nyo na po ang mga alaga ko. Ang sakit na sa bulsa ng feeds.”
Alam mo, kahit na anong negosyo, ke pagmama-manicure o pagtitinda ng diamonds ang negosyong yan, dapat may business plan ka. Kung wala kang planning at hindi mo pinag-isipan kung anong kakaiba sa maiaalok mo na wala sa mga nauna na sa iyo, wala, dadagdag ka lang sa population ng mga nagma-manicure o nagtitinda ng diamonds or whatever.
Magiging “just another player” ka lang sa negosyong pinasukan mo. Kapag magnenegosyo ka, huwag kang papayag na maging “just another” whatever ka lang. Dahil kung wala namang masyadong kakaiba sa iyo kumpara sa mga nauna na sa iyo, anong dahilan para lumipat sa iyo yung mga customer na kapalagayan na nila ng loob yung mga nauna sa iyo?
So, I challenge you, my fellow backyard-raisers, to level up your game not only in terms of cultural management but also in marketing. Lalamunin kayo ng buhay ng mga batak na sa cultural management ay batak pa sa marketing kung galing lang sa pag-aalaga ang meron kayo.
Ask yourself: “Anong meron dito sa Alpha Agventure na ‘to? Bakit willing ang mga customer nila na bagtasin lahat ng expressway makabili lang ng poultry or livestock animal sa kanila gayong nakatindig lang naman itong Alpha Agventure na ‘to sa kapuranggit na 500 square meters na lupa? Ekta-ektarya ang lupa ko pero bakit talunan ang feeling ko?”
Mr. Jaycee de Guzman is a self-taught agriculturist and the founder and patriarch of Alpha Agventure Farms, recognized as the leading backyard farm in the Philippines. With a rich background in livestock farming dating back to the early 1990s, Mr. de Guzman combines his expertise in agriculture with over 20 years of experience in computer science, digital marketing, and finance. His diverse skill set and leadership have been instrumental in the success of Alpha Agventure Farms.