So, nangingitlog na rin ba ang mga Rhode Island Red chickens mo? Yehey! Alam mo ba kung performing or under-performing sila? Kung hindi, may solution diyan. Mag-record ka.

Kapag may data management system ka, makikita mo kung saan ka magaling at ano ang mga dapat mong ayusin. Kung wala kang data management system, wala kang data-driven basis sa kung ano ang mga dapat mong ayusin. Paano ka mag-aayos kung hindi mo alam kung ano ang dapat ayusin? Ganun lang yun.

Anyway, isa sa parte ng aming data management system ay ang pagre-record ng egg production ng aming mga purebred Rhode Island Red. So, kung interesado kang malaman kung paano namin ginagawa ang recording sa egg production, panoorin mo ang video na ‘to.