Mahigit 1,000 na hayop ang nasa aming munting backyard farm sa Alpha Agventure. May manok, pato, kalapati, kambing, benggala, rabbit, at iba pa. Sa ganitong bilang, oras na ang bibilangin kung manu-mano ang paggagayat ng mga gulay, prutas, o damo na ipapakain sa mga alaga naming hayop. Kaya naman naisipan naming mag-fabricate ng pang-backyard na grass chopper, vegetable chopper, at corn miller. Panoorin mo ang video na ‘to para makita mo kung paano ito gumagana.