1. Check mo muna ang technical knowledge ng nagbebenta sa difference between HYBRID and PUREBRED Rhode Island Reds.
Ipagpalagay nating purebred ang hanap mo. Kine-claim ng nagbebenta na purebred ang kanya. Pero nung ipa-differentiate mo ang hybrid vs purebred ay para yatang mas nabawasan pa ang IQ mo kaysa sa nadagdagan. Paano mo tatanggapin ang kanyang claim if the buyer failed to explain with conviction and eloquence?
2. Pigain mo ang karunungan ng nagbebenta by asking for the step-by-step procedures ng isang program ng production stage ng Rhode Island Red.
Halimbawa, ipa-explain mo ang mga dapat gawin sa pagpili ng mga itlog na i-incubate. Maniniwala ka ba kung sinabi niyang basta itlog, pwedeng i-incubate? Hindi ka ba mapapaisip kung bakit walang ka-sta-standard ang seller?
May mga qualifying rules sa egg selection.
3. Ipa-explain mo sa seller ang pros and cons ng hindi pagbabakuna.
Kapag sinabi niyang “para may protection” ang mga manok, huwag kang makontento dahil common sense na sagot ‘yun. Natural. Alangan namang magbakuna ka para mangisay ang mga manok mo. Ang goal mo rito ay ang marinig mo sa seller kung aling bakuna ang may mataas na progeny effect sa offsprings ng mga hens na vaccinated ng aling vaccine. Isa pang goal mo ay ang marinig mo kung anong sakit (at mga clinical symptoms nito) ang pine-prevent ng aling bakuna.
Lituhin mo ang seller sa presyo, kulay, at route of administration ng bawat vaccine. Ang tunay na nagbabakuna ay hindi mo malilinlang. Baka ikaw pa ang bakunahan niya sa ilong kapag nahalata niyang nililito mo siya sa mga mali-maling pinagsasasabi mo. Pero kapag makailang ulit mong napatango sa mali ang seller, may clue ka na if tunay nga ba itong nagbabakuna o sa panaginip lang ito nagbabakuna.
The bottom line of this due diligence is hindi lang para makasiguro ka na maayos ang pagpapalaki sa mga binibili mo kundi pati na rin para makasiguro ka na matuturuan ka ng pinagbibilhan mo.
So, alam mo na ang gagawin mo niyan next time na magka-canvass ka sa ibang farm? Yes, of course!
Subukan nyong i-apply ito kay Alpha Agventure when you inquire via call at 0917 162 9758 para magkaalaman talaga who walks the talk. 😉
Mr. Jaycee de Guzman is a self-taught agriculturist and the patriarch of Alpha Agventure Farms, the number one backyard farm in the Philippines. His experience in livestock farming is rooted back in the early 90s. Mr. de Guzman is a computer scientist, a digital marketing strategist, an equity analyst for more than 20 years.