Mataas at patuloy na tumataas ang presyo ng lahat ng klase ng feeds ngayon. Upang makatipid, gumagamit kami ng sarili naming corn miller na enough para makapag-produce ng milled corn para sa less than 1,000 chickens kada araw. Bakit ka pa bibili ng corn grits kung may corn miller ka naman, ‘di ba? Yung whole corn na ang bilhin mo dahil mas mura iyon kaysa sa corn grits.