Napaka-challenging mag-accounting o bilangin ang higit 100 na Cherry Valley SM3 Heavy Pekin ducks, Muscovy ducks, Mallard ducks, at mga gansa na nasa iisang breeding pen. Hindi naman sila pipirmi sa kinaroroonan nila porke binibilang mo sila. Nakakaduling pa nga minsan ang pagbibilang kapag humalo sa ibang group yung mga nabilang mo na. Sa video na ‘to ay isi-share namin sa inyo ang isang practical tip na aming ginagawa kapag binibilang namin ang aming mga ducks sa isang breeding pen.