May Caseous Lymphadenitis o bukol na may nana ba ang iyong kambing? Kadalasan ay ito yung mga bukol sa ilalim ng tenga sa may bandang panga. Minsan ay tumutubo rin ito sa mammary glands ng mga inahing kambing. Pwede silang internal at external pero external ang appearance nila 75% of the time. Panoorin mo ang video na ‘to para magka-idea ka kung ano ang mga dapat gawin sa kambing na may Caseous Lymphadenitis.