Matagal mo na bang gustong malaman kung ano yung mga nakasabit na parang hollow block sa kulungan ng mga kambing sa mga goat farm? Urea-Molasses Mineral Block (UMMB) o salt lick ang mga iyon. Sa video na ‘to, ituturo namin kung ano ang UMMB o salt lick, ano ang benefits na nakukuha ng kambing, baka, o kalabaw, mga bawal, at iba pang tips sa pagbibigay ng mineral block sa mga alagang baka, kalabaw, kambing, at tupa. Nood na!